Batang 90's

Ang dekada 90 ay isang yugto sa buhay ko na di ko malilimutan at hinding-hindi ko ipagpapalit at patutuloy na babalikan ang mga masasayang araw ng aking kabataan. Natikman mo na ba ito? Ang sarap neto, lusawin mo lang sa loob ng bibig mo, at pili ka lng kung anong gusto mong maging kulay ng dila mo. Naglalaro ba kayo ng ganito nung kabataan ninyo? Kami oo, madalas halos araw-araw kami kung maglaro noon ng tumbang preso, gamit lamang ang pinulot na lata at mga pudpod na tsinelas. Eh eto, nakapag suot ba kayo ng ganitong tsinelas? Yung dahil sa sobrang bigat nito ay binibitbit ko kapag takbuhan na. Tapos kapag gusto namang makadaya sa taas sa mga kalaro ay ito ang sinusuot ko. Hahahaha :) Ang tawag dito ay brick game, nauso ito noong kapanahunan namin. Ang mga bata sa amin ay itinuturing na mayaman kapag may laruan siyang ganito. Ang bagay na ito ay isa sa mga bagay at laruan nang aking kuya na pinakaayaw ko. Dahil ito ay nakakakuryente, at take note masakit din ...