Batang 90's
Ang dekada 90 ay isang yugto sa buhay ko na di ko malilimutan at hinding-hindi ko ipagpapalit at patutuloy na babalikan ang mga masasayang araw ng aking kabataan.

Natikman mo na ba ito? Ang sarap neto, lusawin mo lang sa loob ng bibig mo, at pili ka lng kung anong gusto mong maging kulay ng dila mo.
Naglalaro ba kayo ng ganito nung kabataan ninyo? Kami oo, madalas halos araw-araw kami kung maglaro noon ng tumbang preso, gamit lamang ang pinulot na lata at mga pudpod na tsinelas.
Eh eto, nakapag suot ba kayo ng ganitong tsinelas? Yung dahil sa sobrang bigat nito ay binibitbit ko kapag takbuhan na. Tapos kapag gusto namang makadaya sa taas sa mga kalaro ay ito ang sinusuot ko. Hahahaha :)
Ang tawag dito ay brick game, nauso ito noong kapanahunan namin. Ang mga bata sa amin ay itinuturing na mayaman kapag may laruan siyang ganito.
Ang bagay na ito ay isa sa mga bagay at laruan nang aking kuya na pinakaayaw ko. Dahil ito ay nakakakuryente, at take note masakit din ang tama nito.
Eh ang dagta ng bulaklak ng santan, natikman mo na? Tandang tanda ko pa noon, pumipitas kami ng mga bulaklak at sinisipsip ito habang naglalakad papunta sa swela. Tapos, gagawin namin siya kwintas at bracelet sa papamagitan ng pagtuhog sa mga petals
Sino sa inyo ang nasubukan ang gumamit ng casset tape na katulad nito? Yung kapag naubos yung film or may kailangan kang pakinggan ay gumagamit kami ng ballpen para i rewind dahil natitipid sa baterya.
sino sa inyo ang mahilig umakyat sa puno ng aratilis at manguha ng bunga? Matamis at masarap sipsipin,
bazooka, ang buble gum ng bayan noong kabataan ko. Ang kulay nito ay pink at nakakatuwang mangulekta at magbasa ng mga komiks sa loob na pambalot nito.
trumpo, gawa ito sa kahoy, pako, at pantali o sinulid na manakapal.
ang laro naman na ito ay tinatawag naming syatong sa wika nmin mga ilokano, ang kailangan lamang dito ay dalawang piraso ng payat na kahoy o kawayan, isa mahaba at isang maiksi ang kailangan magpartner, kailangan lng maghukay ng kaunting butas sa lupa upang may pagsungkitan sa mas maliit na piraso ng kawayan, ito ay kailangang maitulak paitaas at tsaka papaluin upang mapunta sa malayo at kailangan mahabol at masalo ng kabilang grupo upang sila ay maka iskor.
Ilan lamang ito sa mga kinagigiliwan at simpleng kaligayahan ng mga kabataang tulad ko sa aming panahon.
Abay nalaro ko lahat yan..maging ang ibang laro pa na wala jaan ay nalaro ko na. Nasuot korin ung tsinelas na rambo kasi ginagaya q ang mga kapatid ko,color green na dahon ang gusto ko jan. Nakanguya rin ako ng napakaraming bazooka, kasi maliban sa may komiks sa wrapper, masarap pa. Nagawa ko na ding makuryente at manguryente, sarap kaya sa pakiramdam lalo n kapag napapatalon sa gulat ung nakuryente sa siko.haha. nagawa ko nading ubusin ang santan sa skwelahan namin noon, at maraming kwentas ang nagawa ko kaya masaya naman. Hay, masarap balikan kaso mistulang katawa tawa n lamang para sa mga bata ngayon, pero kung papipiliin ako san ako mas nag enjoy, d ko ipagpapalit ang noon sa meron ngaun.
TumugonBurahinMukhang ikaw lang ang makakarelate sa topic ko ngayon. Hahaha :)
Burahin